
night
sa bawat pihit ng paglingon,
naalala ko ang aking kahapon
sa isang batang naglalaro sa kalsada
madungis at walang tsinelas sa paa
palatandaan ng kapos sa biyaya
sa pagdaan ng kait ng tadhana.
*****
sa bawat saya ng kababawan,
naalala ko ang aking katangahan
ang hindi magpahayag sa nilalaman
ng puso sa babaeng naiibigan
ngayon ay mayron ng kasintahan
ako ay nanggagalaiti at nasasaktan.
*****
sa bawat talsik ng kasiyahan,
naalala ko ang aking nagdaan
sa ginagawa kong kalungkutan
ang lumayaw sa ibayong bayan
magsikap upang may paruruonan
ngunit kapalit ay ang kanlungan.
*****
sa bawat panahon na nilalaan,
sa paghihintay ng pagkakataon
walang iba ang nasa aking isipan
ang dumating signos ng kapalaran
naalala ko na lang, ako’y 28 taong gulan’
sa kakahintay ng pagmamahalan.
*****
sa bawat idlip ng kaantukan,
sa mga pagod dulot ng kapaligiran
wala na akong nararamdaman
tulog pag nakasandal kahit saan
naalala ko lang, tumapik sa aking tiyan
ang gutom at uhaw kinahahantungan.
*****
sa bawat buhay ay kahalagahan
sa mga taglay mong kagandahan
ang mga masusungit na may kabaitan
ay hindi hadlang sa akin o kaninu man
basta lagi tandaan ang puso ang katibayan
ngunit di maiwasan, mapaglinlang kaisipan.
Sa isang room ng tourist accomodation nakilala at nakasama ko ang mag-asawang may mga anak; iyon si bornok at bougart… akala ko noong una ay magkakambal>>> yon pala magkakalbo lang>>>
Masaya talaga pag may kasamang bata, lalo na pag puro makulit>>>
buti na rin yong ganun, kasi pag nasakwarto, makukulit at syempre wala na naman matutulugan si mommy at daddy>>> syempre di rin makatulog kasi maya maya nanghihingi ng makakain>>> ganun pala kasaya at kahirap mag-alaga ng bata>>> pero ok din yon lalo na pag-anak mo>>> hindi ko na rin maalala kung paano ako inalagaan ng aking mga magulang…
Alam ninyo, yong kwarto namin ay malapit sa kainan>>> kaya laging nandoon ang pila sa hallway namin>>> lahat ng kwarto ay may salamin sa pintuan>>> kaya rin namin kinuha ang tourist or business class accomodation para may privacy>>> kaya lang minsan mga Filipino talaga tsismoso o mambubuso>>> kasi sinasadya talagang sisilip sa may salamin>>> dumudungaw ng matagal>>> kaya minsan tinakpan namin ang salamin>>> “ang sisilip ay jokela aminin…>>> naku mali yata naisulat namin>>> kasi lahat tuloy ng bakla nakatingin>>> hay>>> pinalitan ko ulit ng “ice for sale”>>> iyon pinagalitan kami ng crew manager ng SF… haha
Masaya talaga sa barko pag di ka nagmamadali, may kantahan at sayawan tuwing gabi, ito mga fafang nakilala ko>>> may mga mama din akong nakilala pero akin na lang yon>>>
Ang sarap maglakbay sa Pinas, daming islang nadadaanan>>> nakakainis lang minsan>>> tumatagal dahil na rin marami ng STOP OVER.




































This is the stationery and greetings card I bought long time ago (last 2003), never been used, waiting for someone who is worthy… or maybe I can use it now…
