bading na lamok vs. dengue

The Philstar news states that

MANILA, Philippines – Sa gitna ng lumalalang kaso ng dengue fever sa bansa binabalak ng Department of Health na gumawa ng genetic manipulation sa mga lamok upang ang insekto ay gawing binabae o hermaphrodite. Ito ay upang tuluyang sugpuin ang mga babaeng lamok na kung tawagin ay Aedes Aegypti na siyang pinagmumulan ng virus na nagdudulot ng nakamamatay na karamdaman.

Kamangha-mangha naman talaga ang siyensiya. Pero ang tanong kaya bang kontrolin ang isang genetic insects? Hope the study should cover both the positive and negative impact of creating it. This is not a trial and error. It takes time, money and uncertainty. Ano kaya masasabi ng CBCP at environmental advocates?

Ang lamok minsan mabisang paraan para hindi ka aantukin. Bahagi rin ito ng food chain ng mga ibang nilalang sa lupa kagaya ng butiki, palaka, gagamba at iba pa. Naririnig natin tuwing umuulan tuwang-tuwa ang mga palaka. Ano kaya ibig sabihin nito?

ayon sa wikipedia;

The yellow fever mosquito, Aedes aegypti (=Stegomyia aegypti, =Aedes (Stegomyia) aegypti), is a mosquito that can spread the dengue fever, Chikungunya and yellow fever viruses, and other diseases. The mosquito can be recognized by white markings on legs and a marking in the form of a lyre on the thorax. The mosquito originated in Africa[1] but is now found in tropical and subtropical regions throughout the world.[2]

Ang lamok ay nabubuhay sa dugo o they are called blood suckers. Naalala ko tuloy yong sinabi ng mga lasingero, pag kinagat ka ng lamok maya-maya lasing na rin ito at saka mo pitikin. Di hamak na ang tagal sisipsip ng lamok pagnakainum ka, saka mo stretch yong balat at sila’y hindi makakalipad. Ano kaya epekto sa lamok pag nakadrugs ka? Baka sabihin ng nakadrugs, kumakagat pare!

Naalala ko rin ang kwento ni Juan noong bumili siya ng palayok at nabasag nito. Dahil brutal ang kanyang ina pagdating sa mga kapalpakang nagawa niya, gumawa siya ng paraan. Dinikdik niya ang palayok hanggang mapino ito at binibenta sa palengke at marami naman naniniwala at bumili na ito ay mabisang paraan sa pagpugsa ng lamok. Pag-lipas ng tatlong araw marami ang nagreklamo bakit daw hindi namatay ang lamok? Ang hindi alam ng mamimili kung paano gamitin ito. Paliwanang ni Juan, dapat hulihin nyo  muna ang lamok at ilagay ito sa kanila mga mata. Oo nga naman. Tama ba si Juan?

Pero mainam pa rin ang pagiging malinis at maayos sa kapaligiran. Marami rin kasi ang bahay sa Pinas na labas pasok ang lamok at hindi kayang makabili ng screen sa bintana at ayaw naman gumamit ng kulambo dahil hindi sosyal, sa halip nag-iisang electric fan na bihasang-bihasa ang lamok sabayan ang ihip nito.

Yan ang dapat natin baguhin. Hindi itong modified genetic na baklitang lamok. Mahirap yan. Paano nila malalaman na bakla ang isang lamok. kung ayaw naman niyang aminin. Hehe! Maraming taong ganyan hayop pa kaya. O baka naman pagnakakita ng babaeng lamok mapainlove ito. Naku ha! Baka maging chickboy pa ito, tira chick tira boy.  hayzzzzzzzz mga B yata namumuno sa DOH… gusto padamihin lahi nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

Gravatar
WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.